Sa mga nakakakilala na sa'kin, malamang alam n'yo na meron akong nakakabatang kapatid na babae. Marahil alam n'yo na din na sobrang spoiled sakin ang kapatid kong ito, at kahit fourteen years old na sya, at may mga umaaligid-aligid ng boys (read: ulopong. hmp.) ay "baby/bibi" pa din ang tawag ko sa kanya. Higit sa lahat, malamang narinig n'yo na ding tawagin ko siyang "Quengkai." Quennie Anne kasi ang pangalan nya. Oo, isang "e" lang kasi hilo pa sa anestisya ang motherdear ko nung isinulat n'ya ang pangalan ni Quenkai sa form ng ospital. Kaya imbes "Queennie," e "Quennie" lang ang name nya. Tapos, ayun, pinanindigan na lang namin. =D
Last weekend, my sister and I went to Sinagtala Farm Resort and had a chance to bond. At dahil magkasama na naman kami, kung ano anong kabalbalan na naman ang pinaggagawa namin. Hehe.
Anyway, madalas magmaganda ang kapatid ko, tulad nito:
Anyway, madalas magmaganda ang kapatid ko, tulad nito:
![]() |
![]() |
Natutulog ako sa mga panahon na nagseselfie s'ya dun sa banyo. Na-bore ata. |
Pero minsan, pwede din naman puro kabaliwan ang trip niya, tulad nito:
![]() |
Natuwa s'ya sa mga painting sa room namin sa Sinagtala kaya ginaya niya. |
![]() |
May towel kasi maliligo na dapat kami sa pool. ;) |
Tapos kaming mag-ate, kapag magkasama, pwedeng pretty lang ang peg:
Pero pwede din namang mukhang tanga lang:
Haha. Love yah sister. Minsan may mga tao lang talaga na naglalabas ng mga kabaliwan natin sa katawan. We certainly had fun together at Sinagtala. Will post about it soon!
No comments:
Post a Comment
Add a Comment